09 June 2009

God is good.

hindi ito kung anuanong shit na basta basta lang para may ilagay dito.

nagdiriwang ang aking puso dahil alam ko na may Diyos at alam kong mahal Nya ako.
naghihirap ako at wala na talaga akong pera, peksman.
naglalakad ako sa ayala avenue kasama mga tropa ko sa opisina, bigla lang akong napatingin sa aking niyayapakan at biglang may kulay ube na nakakulubot!
ito ay aking pinulot at aba, akalain mo -- isang daang piso!!!

dahil dito ay may pambili na ako ng paborito kong pan de coco.
hindi pa ako kumakain simula kagabi. lunch ko sa opis yung pang binigay lang sa akin na blue seal na marlboro menthol lights (langya, menthol pa! onga pala, beggars can't be choosers).

MAY DIYOS AT MAHAL NYA AKO.

Amen.

No comments: