07 April 2009

dukha.

patung-patong na ang aking dinadala.
sunud-sunod na ang mga dagok sa aking buhay.
wala na bang iba kundi puro problema?
sige, anu-ano pa ba ang mga parating?

naisip ko, dapat sana pumipila ang mga problema...
tipong first come, first serve.
huwag naman sanang sabay-sabay.
nakakahilo.
nakakapagod.
nakakabaliw.

kelan pa makakapahinga?
nakakapagod na mag isip.
pero hayaan mo na, sige pa at kakayanin ko pa rin.

1 comment:

Karen said...

di naman kita iiwan inay ano man mangyare.. kaya mo yan.