26 May 2009

kaeklavuhan ni Bob Ong na sobrang true naman.

Eto ay mga words of wisdom galing kay Bob Ong. Nakuha ko lamang ito sa isang email na pinadala sa akin ng aking kaibigan. Basahin nyo at kayo ay matutuwa. Mukha syang kalokohan, pero meron talagang katotohanan sa mga sinasabi nya...

Go! go! basahin mo :)


1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo… Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

22. Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal,
Yun nga lang hindi lahat matibay sa temtasyon.
Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa
kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo,
wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

23. "Mangarap ka at abutin mo.
Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis.
Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo,
pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka,
magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima.
Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

24. nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay.
hindi ito multiple choice, identification, true or false,
enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan
kundi essay na isinusulat araw-araw.
Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot,
kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala.
Allowed ang erasures."
Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.
hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?

25. Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad ksa bubog na nakayapak,
pero wag kang sumubok magdrugs.
Kung hindi mo kayang umiwas,
humingi ka ng tulong sa mga magulang mo
dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier
at siguradong hindi ka nila iisahan

26. mag-aral maigi, kung titigil ka sa pag-aaral,
manghihinayang ka sa pagtanda mo
dahil ni hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok
o suspendido ang klase o absent ang teacher.

27. “Sabi nila, sa kahit ano raw problema,
isang tao lang ang makakatulong sa’yo - ang sarili mo.
Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko.
Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos,
alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”
Iba ang tinititigan sa tinitingnan, ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin,
ang tinitingnan, buong bahagi ang sinusuri. Iba rin ang iniintindi sa inuunawa.
Ang iniintindi, pinipilit sa isipan.
Ang inuunawa, alam kung bakit dapat ipilit sa isipan.
Kaya dapat tinitingna ang mga bagay para maunawaan.
At hindi tititigan lang at intindihin.
Kung tutuusin, hindi naman masarap ang alak,
yung mga kainuman lang ang nagpapasarap.

28. Mas madaling ngumiti kahit di ka masaya kaysa ipaliwanag kung bakit malungkot ka.

29. Pag binisita ka ng idea, gana,
o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo
para lang di masayang ang pagkakataon.
walang taong manhid, hindi nya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating
dahil ayaw mo syang diretsuhain

30. Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!
Hindi 'yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa 'pag gusto mo ng paglaruan.
Hindi 'yan iPod na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.
At hindi 'yan Red Horse na p'wede mong laklakin hanggang madaling-araw.
Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi 'yan gadget para kolektahin at paglaruan.


31. Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam?
'Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga.
Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.


32. Imbis na magtanong ka ng 'Hindi pa ba sapat?',
bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?
Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s'ya.


33. Wag kang magpadala sa salitang 'sorry' at 'ayokong mawala ka.'
Kung totoo 'yun, patunayan n'ya.


34. Paano mo masasabing special ka sa isang tao
kung ang bawat ginagawa niya sa'yo ay ginagawa din n'ya sa iba?


35. Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka,
ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa,
magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.


36. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali?
Alam ba nilang 'pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?


37. Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam,
mag-ingat-ingat ka naman. Dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan,
kaya mo namang makasakit.


38. Ganyan talaga ang mga tao,
pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.


39. Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sa'yo eh,
kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.

2 comments:

Karen said...
This comment has been removed by the author.
Karen said...

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba." - Yeah.